CAUAYAN CITY – Nagbigay ng paalala ang pamunuan ng Provincial Explosive and Canine Unit o PECU Isabela kaugnay sa mga natatanggap na Bomb threats.
Matatatandaang sa mga nagdaang araw ay maraming mga opisina ng pamahalaan ang nakatanggap ng kahina-hinalang email na nagsasabing may mga inilagay na bomba sa mga tanggapan ng pamahalaan ngunit sa pagberipika ng mga awtoridad ay natuklasan na fake news lamang ito.
Kabilang sa nakatanggap ng email ang tanggapan ng Social Security System o SSS Cauayan City maging sa lunsod ng Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Aldrin Galay, Team Leader ng PECU Isabela sinabi niya na matapos nilang malaman ang impormasyon ay agad silang nagsagawa ng operasyon upang berepikahin at nalaman na walang nailagay na bombo sa mga opisina ng SSS.
Upang maiwasan ang panic ay mga isinasagawang drills ang PECU kaugnay sa mga nangyayaring bomb threats.
Aniya huwag ding ipagsawalang bahala ang mga natatanggap na ganitong impormasyon dahil hindi tiyak kung totoo o hindi kaya ipabatid agad ito sa mga kinauukulan.











