--Ads--

Dahil panahon pa ng ama nang maipatayo ang ilang paaralan sa bansa, isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rehabilitasyon sa gusali ng mga eskwelahan.

Ito ang nadiskubre ng Pangulo matapos inspeksyunin ang Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan sa pagbubukas ng “Brigada Eskwela” kasama si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

Napansin niya na ang mga gusali ay “Marcos-type” pa kaya kailangan na itong palitan.

Giit pa ng Presidente, kailangan na nang rehabilitasyon ng karamihan sa mga gusali na ito gayundin ang mga palikuran o comfort rooms ng mga eskwelahan ay dapat nang ayusin.

--Ads--

Subalit dahil na rin aniya sa kahirapan sa supply ng tubig sa ilang area ay isa sa dahilan para pahirapan ang gagawing rehabilitasyon sa mga palikuran, bagamat nagbabayad naman ng tubig ang mga eskwelahan.

Ang tubig aniya ay pangunahing pangangailangan para masiguro ang maayos na kalusugan at kaligtasan ng mga bata sa eskwelahan.