--Ads--

CAUAYAN CITY – Idineklara ngayong araw, September 19 na national holiday sa Bahamas bilang pakikiisa sa libing ni Queen Elizabeth II.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent April Duallo na karamihan sa mga locals ay nag-aaral sa London kaya malungkot din sila sa pagpanaw ng Queen.

Ang mga leaders ay pumirma rin ng book of condolences na ibibigay sa United Kingdom.

Nakahalf mast din ang kanilang national flag at ang Anglican church ay pinatunog ang kanilang kampana ng 96 beses.

--Ads--

Ang prime minister ng the Bahamas ay nandoon na rin para dumalo sa libing ngayong araw.

Ayon kay Duallo, independent na rin ngayon ang naturang bansa at wala pa naman siyang naririnig na pagbabago sa kanilang pera maging ang kanilang national anthem gaya ng ibang bansa na nasa ilalim ng British government.

Tinig ni Bombo International News Correspondent April Duallo.