--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Shiela Guo, ang kapatid ni Dismissed Bamban Mayor Alice Guo na kasama niyang nakalabas ng Pilipinas ang kanyang kapatid na si Alice at Wesley Guo sa pamamagitan ng pagsakay ng bangka.

Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice and Human Rights, sinabi ni Guo na una silang sinundo ng van mula sa kanilang tahanan at bumiyahe ng ilang oras patungo sa hindi matukoy na lugar.

Mula roon ay sumakay anya sila ng maliit banka at lumipat sa isang fishing boat at isa pang bangka hanggang sa makarating sila sa Bansang Malaysia.

Una nang napaulat na si Shiela kasama si Cassandra Ong na iniuugnay sa illegal POGO sa Porac, Pampanga ay nahuli sa Bansang Indonesia noong ika-22 ng Agosto at sila pinabalik din agad sa Pilipinas.

--Ads--