--Ads--

Nangako ang Iran ng paghihiganti matapos ang pagkamatay ng isa sa kanilang lider, si Ali Larijani, sa isang Israeli airstrike nitong Martes, ayon sa mga opisyal at ulat mula sa Tehran. Kasama sa mga napatay din ang commander ng Basij, ang kilalang paramilitary force ng Iran na kadalasang ginagamit sa pagpigil at pagharang ng mga pag-aalsa at protesta sa bansa.

Itinuturing si Larijani bilang isang central figure sa politika at seguridad ng Iran, lalo na matapos ang pagkamatay ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei kamakailan sa joint US–Israel strike na lalong nagpalala sa digmaan sa rehiyon. Ang pagkamatay ni Larijani, kasama ang kanyang anak at ilang deputy, ay malaking dagok sa liderato ng bansa at nagpasiklab ng serye ng karagdagang missile attacks at tensyon sa buong Middle East.

Bilang tugon, naglunsad ang Iran ng mga ballistic missile attack sa central Israel na ikinamatay ng hindi bababa sa dalawang tao at nagdulot ng pinsala sa ilang lugar.

Kasabay nito, isinagawa naman ng Estados Unidos ang pag-drop ng malalaking guided bombs sa mga missile site ng Iran malapit sa Hormuz Strait.

--Ads--

Bukod sa mga missile at drone activities, nagkaroon din ng mga pag-atake sa paligid ng US Embassy sa Baghdad, na nagdagdag sa lumalalang sitwasyon sa rehiyon at nagpataas ng mga alalahanin sa seguridad ng mga diplomatiko at sibilyan.