--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang driver ng isang motorsiklo matapos na mabangga ng isang pampasaherong van sa Barangay Raniag, Ramon, Isabela

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sangkot sa aksidente ang isang motorsiklo na minamaneho ni Areston Toquero, nasa hustong gulang  at residente ng Purok 6, Brgy Raniag, Ramon, Isabela habang sangkot din sa aksidente ang isang pampasaherong van na minamaneho ni Balter Sanchez, 34- anyos, may asawa, driver at residente ng Purok 6 San Andres, Santiago City , Isabela.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na bago ang insidente ay binabagtas umano ng dalawang sangkot na sasakyan ang northbound lane patungo sa Ramon town proper.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nag-overtake umano ang sinusundang sasakyan ng pampasaherong van sa motorsiklo.

--Ads--

Dahil dito ay hindi napansin ng tsuper ng pampasaherong van ang motorsiklo dahilan para mabangga niya ito.

 Nagresulta ang insidente upang magtamo ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tsuper ng motorsiklo na agad namang dinala ng rumespondeng Rescue 316 sa pagamutan ngunit idineklara dead on arrival ng kanyang attending physician.