--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang turistang pinoy ang kasalukuyang nasa kustodiya ng Taiwanese Officials matapos ang tangkang pagpupuslit ng 9.7 kilo ng high grade Heroin na nagkakahalaga ng 100 million pesos sa Kaohsiung International Airport.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Manila Economic and Cultural Office o MECO Chairman Silvestre Bello III sinabi niya na naipaabot na niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang naturang insidente at natukoy na ang pagkakakilanlan ng dalawang turistang Pilipino.

Ang isa ay nakilalang si Rolando Gozo na mula sa Lucena City habang ang isa ay mula sa Bulacan.

Nakapagbigay na sila ng legal assistance sa dalawang Pinoy na posibleng maharap sa kaso at mahatulan ng life in prisonment o deathrow.

--Ads--

Sa pakikipag ugnayan ng legal council sa dalawang Pilipino ay hindi na nila nabanggit  ang dahilan sa tangka nilang pagpupuslit ng iligal na droga sa Taiwan.

Hindi naman inaasahan na magkakaroon ng epekto sa magandang record ng mga Pinoy sa Taiwan ang insidente subalit posibleng magkaroon na ng paghihigpit sa pagpasok ng mga Pilipino sa naturang bansa.

Babala ngayon ng MECO sa Taiwan sa mga Pilipinong nagbabalak ring mag puslit ng iligal na droga o gumawa ng hindi kanais nais sa Taiwan na huwag na itong ituloy dahil mabigat ang kakaharapin nilang parusa kung mapapatunayang nagkasala.