--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang binata na nahaharap sa 9 counts of rape sa Sta Clara, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang inaresto ay si Jefrey Rivera, 22-anyos, laborer at residente ng nabanggit na lugar.

Sa pangunguna ng hepe ng Aritao Police Station na si Police Captain Florentino Mawirat Jr, inaresto ang pinaghihinalaan sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inilabas ni Hukom Paul Attolba ng RTC Branch 30 Aritao, Nueva Vizcaya.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng pinaghihinalaan.

--Ads--

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang pinaghihinalaan para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.