--Ads--

Labis ang saya at halos napawi ang pagod sa maghapong pagtatrabaho sa bukid ng isa sa mga Consolation Prize Winners sa katatapos na Grand Draw ng Swerte sa Palengke 2025.

Ayon kay Ginang Purificacion Cagayan, isa sa mga Consolation Prize Winners, kagagaling lamang nila mula sa bukid nang matanggap niya ang magandang balita mula sa kaniyang anak.

Aniya, hindi ito ang unang beses na siya ay nanalo sa Swerte sa Palengke dahil noong nakaraang Palengke Draw sa Ilagan Public Market ay nagwagi siya sa mga parlor games.

Higit isang daang entries ang kaniyang naihulog gamit ang POP mula sa Syngenta, Bioderm, at Birch Tree, kung saan ang kaniyang anak mismo ang nagsusulat.

--Ads--

Kasalukuyan namang nasa bukid si Ginang Genalyn Cuntapay, isa sa mga Consolation Prize Winners, nang ianunsyo ang kaniyang pangalan.

Aniya, may dalang radyo ang kaniyang kasamahan sa bukid at doon niya narinig na kasalukuyan nang ginaganap ang Grand Draw.

Hindi rin ito ang unang beses na nanalo siya sa promo ng Bombo Radyo dahil sa nakaraang Swerte sa Palengke ay isa rin siya sa mga nabunot bilang Consolation Prize Winner.

Aminado si Ginang Cuntapay na hindi niya inaasahan ang pagkapanalo dahil hindi naman ganoon karami ang kaniyang naihuhulog na entries bawat linggo, gamit ang Orocan at Vertako.

Ang napanalunang halaga ay ilalaan niya bilang allowance ng kaniyang dalawang anak.

Samantala, abala naman sa pakikinig ng drama sa Bombo Radyo Cauayan si Argie Perez, isa sa mga Consolation Prize Winners, nang ianunsyo ang kaniyang pangalan.

Aniya, tutok siya sa ginaganap na Grand Draw at labis ang kaniyang tuwa nang isa siya sa muling mabunot at manalo.

Bagama’t hindi ito ang unang beses na nanalo siya sa promo ng Bombo Radyo, matagal na rin siyang nagsusumite ng entries sa halos lahat ng mga promo ng himpilan.

Gaya ni Ginang Cuntapay, ilalaan din ni Ginang Perez ang kaniyang napanalunang premyo para sa gastusin ng kaniyang mga anak na kasalukuyang nasa kolehiyo.