--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ngayon sa American embassy sa Jordan dahil sa tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rochelle Badajo ng Amman, Jordan na malapit lang sila sa American embassy kaya nakikita niya ang mahigpit na seguridad na ipinapatupad sa ngayon.

Aniya, marami ring sundalong Amerikano ang nakapalibot ngayon sa American embassy at mayroon din silang mga tangke.

Hindi rin aniya sila basta-basta nagpapapasok at nagpapalabas ng kung ano-ano sa naturang lugar.

--Ads--

Ayon kay Badajo, nasaksihan niya mismo ang pagpapalipad ng dalawang drone noong gabi ng Sabado sa Israel habang noong Sabado ay may dalawang helicopter na maghapong lumilipad sa kinaroroonan nilang lugar.

Aniya, halos boundary na ng Israel at Jordan ang lugar kung nasaan siya ngayon at bagamat nakakaramdam na sila ng takot maging ang kanyang mga amo habang ang iba ay umalis na ay doble na lamang ang kanilang pag-iingat.

Kahapon, araw ng linggo ay naging tahimik naman sa kanilang lugar at bukas pa rin naman ang mga establisyemento.