--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanatiling mapayapa ang buong bayan ng Ramon, Isabela ayon sa PNP.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin ang hepe ng Ramon Police station sinabi niya na wala silang masyadong naitatalang krimen sa kanilang nasasakupan dahil karamihan sa mga nagaganap na insidente ay aksidente sa kalsada.

Sa ngayon ay nakapagtala lamang sila ng dalawa hanggang tatlong aksidente sa kalsada bawat araw na madalas kinaasangkutan ng mga motoriostang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin habang may ilang naitala dahil sa human erros at mechanical error.

Aniya, bagamat maganda na ang kalsada at tapos na ang mga road construction ay nagiging dahilan pa rin ito para maaksidente ang mga motorista.

--Ads--

Gayunpaman ay may iba’t ibang intervention na silang ginagawa gaya ng mobile at foot patrol para maiwasang magmaneho ng mabilis ang mga motorista lalo kung may nakikitang mga pulis.

May umiiral din silang programa na I-poste  kung saan may random check points silang inilalatag na siyang makakatulong para sa monitoring sa pambansang kalsada.

Samanatala, umabot na sa 20 arrested wanted person ang kanilang nadakip mula pa buwan ng Enero hanggang kasalukuyan.

Sa kabila ng naturang bilang ay may continues monitoring parin sila sa lahat ng mga may nakabinbin na kaso at patuloy na nagtatago sa batas.

Aktibo pa rin hanggang sa ngayon ang Ligtas SumVac 2024 kung saan may itinatag na police assistance desk sa Magat Dam at Camp Vizcara kung saan may mga Tourist Police na siyang nakatoka sa pag-alalay sa mga local tourist na magtutungo sa iba’t ibang tourist destination sa Bayan ng Ramon.