--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakaranas ng matinding pag-ulan ang bangsang Kenya at above normal rain na ang kanilang nararanasan mula unang araw ng Abril.

Dahil dito ay nakaranas na sila ng flash floods dahil hindi napaghandaan ang biglaang pagbuhos ng ulan na halos araw araw nang nararanasan.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Roger Reyes nakapagtala na ng halos tatlumpung nasawi dahil sa pagbaha.

Problema rin ngayon ang drainage system sa mga lugar na nakakaranas ng pagbaha dahil walang takip ang mga ito na nagsanhi para may ilang madisgrasya.

--Ads--

May mga kabahayan ding nasira o nagiba dahil sa pagbaha dulot ng mahinang pundasyon.

Tuloy tuloy naman ang ginagawang rescue operation ng Kenian Government para dalhin sa ligtas na lugar at sinasabayan ng tuloy tuloy na clearing operations sa mga drainage canals  at ilog.

Sa ngayon ay wala pa namang mga Pilipino ang naapektuhan ng pagbaha sa Kenya maliban sa mga nagtatrabahong kailangang sumuong sa baha para lamang makauwi.

Wala namang dapat ipangamba ang mga Pilipino na nagtratrabaho sa Kenya dahil handa naman ang embahada na magpaabot ng tulong kung kakailanganin.