--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumampa na sa labing siyam ang naitatalang nasawi ng Rescue 922 dahil sa mga naitalang vehicular accident sa lungsod.

Kahapon ay isang aksidente na naman ang naitala sa bahagi ng Barangay Union, Cauayan City kung saan dalawang lalake ang nasugatan na kapwa walang suot na Helmet.

Napag-alaman na kapwa sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima ng magpang-abot sa harapan ng isang gasolinahan.

Dahil dito ay nagtamo sila ng minor injuries na agad namang nalapatan ng paunang lunas.

--Ads--

Sa kabuuan ay umabot na sa 483 ang mga aksidenteng naitatala sa Lunsod, 252 dito ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin habang 278 ang nagmamaneho ng walang suot na helmet.