--Ads--

Muling pinalawig ni Senador Loren Legarda ang kanyang medical leave matapos ipabatid sa Senado na siya ay liliban mula Setyembre 21 hanggang 23, Setyembre 28 hanggang Oktubre 2, at Oktubre 5 hanggang 9. Kinumpirma ito ni Senate Secretary Renato Bantug nitong Lunes.

Ito na ang pinakahuling serye ng medical leave ng senadora na nagsimula pa noong Agosto. Dahil dito, patuloy siyang hindi nakadadalo sa mga sesyon ng Senado at sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nauna nang sinabi ng ilang senador, kabilang si Senate President Sherwin Gatchalian, na may seryosong karamdaman si Legarda at kasalukuyang nagpapagamot. Gayunman, hindi pa isinasapubliko ang eksaktong detalye ng kanyang kondisyon.

Matatandaang ilang beses nang pinalawig ng senadora ang kanyang medical leave mula pa noong Agosto habang patuloy din ang mga usaping may kaugnayan sa mga reklamong kinahaharap niya at ng kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste.

--Ads--